Saturday , November 16 2024
Sister Patricia Fox
Sister Patricia Fox

San Beda community aarborin si Sister Fox

MAKIKIPAGPULONG ang ilang abogado mula sa San Beda University kay Pangulong Rodrigo Duterte bukas hinggil sa isyu nang pagpapalayas sa bansa kay Sister Patricia Fox.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi niya tiyak kung mababago ang desisyon ng Bureau of Immigration na ipa-deport si Sr. Fox dahil sa paglahok sa mga pagkilos na politikal.

Umapela ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission sa kasalukuyang Abbot of the Abbey of Our Lady of Montserrat Manila ng San Beda University na dating San Beda College, dito nagtapos ng abogasya si Pangulong Duterte, na maging tagapamagitan sa kasalukuyang estado ng 71-anyos Australian missionary-nun.

Sa liham ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng komisyon, sa Abbot Chancellor ng San Beda University, umapela siya na pangunahan o ng ibang  abogado mula sa unibersidad ang paglilinaw kay Duterte na hindi banta si Sr. Fox sa demokrasya ng bansa kundi isang misyonaryo na nagnanais makatulong sa mahihirap.

Umaasa si Bishop Bastes na magbabago ang desisyon ni Pangulong Duterte sa kaso ni Fox.

   (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *