INILABAS na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon ang listahan ng mga pangalan ng 207 barangay officials na sinasabing protektor at sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa bansa.
Sa press conference, tila tuluyang hinubaran ng maskara ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang 90 punong barangay at 117 kagawad na sangkot sa pagpapakalat ng shabu sa kani-kanilang nasasakupan.
Ayon kay Aquino, karamihan sa narco-list ay mula sa lalawigan, partikular sa Bicol na umaabot sa 70 executives; 34 sa Caraga, 13 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at sa iba pang panig ng bansa.
Tinukoy rin na siyam sa listahan ay mula sa NCR, lima sa Maynila, dalawa sa Malabon, isa sa Mandaluyong at isa sa Caloocan.
Sinabi ni Aquino, inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga natukoy sa ‘narco-list.’
“Isang linggo mula ngayon ay magsasampa ng kaso laban sa kanila.”
Binigyang-diin ni Aquino na ang inilabas nilang listahan ay valida-ted ng PDEA, Philippine National Police (PNP), National Intelligence Coordination Agency (NICA) at Intelligence Service of the Armed For-ces of the Philippines (ISAFP).
“This was validated on the ground. There is no truth that this will serve as hitlist. It will not,” ani Aquino.
Tiniyak ni Aquino na bibigyan nila ng proteksiyon ang mga nabanggit sa opisyal mula sa posibleng galit ng publiko.
“The PNP will make assurance to the public that these people should be given protection that no one will harm them,” pahayag ni Aquino.
Iginiit ni Aquino, ang pagpapalabas ng mga pangalan ay upang ma-bigyan ng impormasayon at babala ang publiko na huwag silang iboto sa nalalapit na Barangay at SK election sa 14 Mayo.
“Aside from these 207 barangay officials, there are 274 barangay officials that are being validated. Once the validation is completed, PDEA will also be revealing the names of these officials. PDEA has a greater res-ponsibility to the state and the public because the interest of the majority is greater than that of the erring few,” dagdag ng opisyal. (ALMAR DANGUILAN)