Thursday , May 15 2025

Palasyo itinuro si De Castro (Naduwag sa Tulfos?)

KUNG gaano ka-anghang ang mga pahayag ng Palasyo sa mga katiwalian ng ilang mga dating opisyal ng pamahalaan, tila nabahag naman ang buntot nila sa napaulat na P60-M ‘nakurakot’ ng mga Tulfo sa People’s Televison (PTV).

Mistulang binuhusan ng malamig na tubig ang ‘taray’ Ni Presidential Adviser on Human Rights at Presidential Spokesman Harry Roque at itinuro si Tourism Undersecretary Kat de Castro na bahalang sumagot sa isyu .

“We’re deferring to USec Kat de Castro,” maigsing text message ni Roque sa mga mamamahayag kahapon sa isyu.

Kamakalawa’y napaulat na kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang ± 60 milyong ibinayad ng Department of Tourism (DOT) sa Bitag Media Unlimited, Inc., para sa mga commercial na lumabas sa PTV program na Kilos Pronto noong 2017.

Ang Bitag Media ay pagmamay-ari ni Ben Tulfo, kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo.

Ayon sa COA, walang mga kaukulang dokumento ang pagsasahimpapawid ng mga anunsiyo ng DOT Bitag Media produced program na “Kilos Pronto.”

Ito ay sa kabila ng pinirmahang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng People’s Television Network Inc (PTNI) at DOT para maipalabas ang mga commercial sa nasabing programa sa PTV-4 na ang mga host ay magkapatid na Ben at Erwin Tulfo kasama si Alex Santos.

Idinaan ng DOT sa PTNI ang pagbabayad nito sa Bitag Media, na ayon sa COA ay natuloy kahit walang MOA sa pagitan ng Bitag at PTNI; Certificate of Performance; Budget Utilization Request; at Billing Statement.

“Since there was no MOA wherein the terms and conditions of the agreement are supposed to be spelled out, there was also no basis for the computations on how the said three payments were arrived at,” anang COA.

Ayon sa COA, labag ito sa Presidential Decree 1445, ang Government Auditing Code, at sa COA Circular No. 2012-001 na dapat ay dokumentado ang lahat ng transaksiyon sa gobyerno.

Nabisto rin ng COA, wala rin sa kasunduan ng DOT at PTNI na nagsasaad ng pagiging collecting agency ng PTNI para sa Kilos Pronto at pagbabayad sa Bitag Media.

    (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *