Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

P5-M shabu kompiskado sa condo (Sa Muntinlupa City)

NAKOMPISKA ng mga pulis ang tinatayang P5 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang condominium unit sa Sucat, Muntinlupa City, nitong Lunes ng madaling-araw.

Bago ang operasyon, isang buwan tiniktikan ng police Drug Enforcement Group (PDEG) ang condo unit na sinabing inuupahan ng Chinese national na kinilalang si Yang Ang Quan alyas Li Hong Peng, lider umano ng Peng drug syndicate, ayon kay Supt. Enrico Rigor, tagapagsalita ng police unit.

Napag-alaman, isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Juanita Guerrero ng Branch 204, sa inuupahang condo ng suspek at ng kinakasama niyang Filipina na si Aina Sale, sa Manimba Bldg., Rhapsody Residences, Brgy. Buli, East Service Road ng lungsod.

Aniya, nakasilid sa apat na plastic bag ang drogang nakuha mula sa lugar na pinananiwalaang warehouse ng shabu.

Gayonman, walang inabutang tao roon ang mga awtoridad.

Ikinasa ang operasyon bilang follow-up sa pagkaaresto noong nakaraang linggo sa isang Chinese sa Makati at tatlong Filipino sa Alabang, na pawang dawit umano sa bentahan ng droga.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …