Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Standhardinger nasa PH na (Dumalo sa unang ensayo ng SMB)

DUMATING na sa bansa sa wakas ang inaabangang si Christian Standhardinger kamakalawa.

At bagamat halos wala pang pahinga ay sumabak agad siya sa kauna-unahang ensayo kasama ang Beermen pagkatapos ng lagpas limang buwan.

Magugunitang noong nakaraang Oktubre, pinili ng SMB ang 6’8 Filipino-German na si Standhardinger bilang number one overall pick sa 2017 PBA Rookie Draft.

Ngunit dahil sa kanyang kontrata sa Hongkong Eastern sa Asean Basketball League, hindi muna nakasama si Standhardinger sa koponan nang angkinin nila ang 2018 Philippine Cup kahit wala siya.

Inaasahang sa Mayo pa sana maaaring makasama si Standhardinger sa koponan ngunit napaaga ito matapos mabigo ang Hongkong sa pambato ng bansa na Alab Pilipinas.

Bilang nagdedepensang kampeon, paboritong makapasok sa Finals ang Hongkong ngunit winalis ng Alab sa semis, 2-0 na siyang nagresulta sa maagang pagdating ni Standhardinger.

Sa kanyang pagdating, inaasahang lalo pang lalakas ang Beermen na nakatakdang depensahan ang kanilang Commissioner’s Cup title.

Wala pa si June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Arwind Santos sa unang ensayo ng Beermen lagpas dalawang linggo matapos nilang amigin ang kanilang ikaapat na sunod na titulo sa All-Pinoy na komperensya.

Sa kabila nito, magkakaroon ng mahaba-haba pang panahon ang SMB na mabuo ang kanilang chemistry dahil sa 9 ng Mayo pa ang unang laban nila kontra sa Meralco kahit pa nagsimula na ang Commissioner’s Cup kahapon.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …