Wednesday , November 20 2024

Region X humakot ng ginto sa boksing

VIGAN CITY—Huma­kot  ng anim na gold medals ang Region X sa Secondary Boys Boxing sa katatapos na Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Plaza Burgos, Ilocos Sur.

Pinayuko ni Jericho Acaylar si Lester John Yanis sa finals upang sungkitin ang gintong medalya sa Pin Weight, (44-46 kgs.).

Nahablot ng Region XI Pug Yanis ang silver habang nag-uwi ng bronze medals sina Ronel Musa ng CARAGAA at Juvan Amantiad ng Region IX.

Ang ibang NMRAA gold medalists ay sina Joshua Odvina sa Light Bantamweight, (50-52kgs.), Dave Bryan Caspe sa Bantamweight, (52-54 kgs.), Mark Lester Durens sa Light Flyweight, (46-49 kgs.), John Earl Palivino sa flyweight, (49-52 kgs.) at Wesly Caga sa Lightweight, (54-56 kgs.).

Napunta ang apat na ginto kina Caasi Salvador ng Region VIII sa 14-46 year-old over, Light Flyweight, (46-48 kgs.), Christian Betonio ng Region XI, (48-50 kgs.), Gerwin Asilo ng Region VII sa 17-18 year-old over, Bantamweight, (52-54 kgs.) at Billy Ray Naelgas ng Region IV-B sa Light welterweight, (56-60 kgs.).

Pinakamaraming record na nabasag sa palaro  ay sa swimming event, may 19 na  inukit na bagong record sa Palarong Pambansa.

Nakapagtala ng mabilis na oras si Thanya Angelyn dela Cruz ng Metro Manila sa secondary girls’ 13-17 100-meter breaststroke sa 1:17.35 tiyempo para gold medal at burahin ang 1:17.56 ni Mary Sophia Manantan ng Mimaropa sa heats.

Samantala, nagwagi sa Secondary Boys basketball ang NCR matapos daigin sa finals ang Region XI – DAVRAA, 100-80.

Humataw naman ang NCR ng gold sa singles ng Secondary Boys Badminton habang silver si Lyrden Laborte ng Region IV-A – STACAA.

Nabingwit nina Jason Valenzuela ng NCR at Jewel Angelo Albo ng STACAA ang bronze medals.

Sina Jeno Carino at Nestorian Tapales ng Region IV-A  ang nagwagi ng gold sa Doubles.

Nagtulungan sina Laborte, Tapales at Albo para kalawitin ang gold medal sa team Tie.

Sa kabuuan, muling dinomina ng NCR ang nasabing event matapos mag-uwi ng 100 gold, 20 silver at 50 bronze medals, second place ang Region IV-A na may nauwing 55 gold, 50 silver at 73 bronze medals.

Tumersero sa bakbakan ng mga student athletes ang Region VI – WVRAA matapos kumulekta ng 46-45-55, (G-S-B medals). (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *