Monday , December 23 2024

40 mangingisda na napiit sa Indonesia aarborin kay Widodo

IDUDULOG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng 40 mangingisdang Filipino na nakapiit sa Indonesia, sa kanilang paghaharap ni President Joko Widodo sa 32nd ASEAN Leaders Summit sa Singapore ngayong linggo.

Ito ang tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go matapos salubungin ang 31 mamamalakayang Filipino mula sa Indonesia sa Camp Feranil Naval Station sa Panacan, Davao City noong Biyernes.

Ipinasyal ni Go sa mall sa siyudad ang mga mangingsida kasama ang kanilang pamilya at binigyan ng ayudang pinansiyal at grocery items para makapagsimula ng panibagong buhay.

Walang pagsidlan ng tuwa si Randy Capricho, mangingisda sa GenSan, nang makarga niya ang kanyang 2-anyos anak na ipinagbubuntis pa lang ng kanyang misis nang pumalaot para mangisda, na naging sanhi nang pagkadakip sa kanilang grupo sa Indonesia.

Ang ibang mga kasamahan ni Capricho ay mula sa Zamboanga, South Cotabato at Davao.

“I will find more solutions to address this matter. Para sa lahat ng Filipino, lalo sa mga kababayan natin na naka-detain sa Indonesia, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Nandito ang gobyerno para tulungan kayo,” pahayag ni Go.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *