Saturday , November 16 2024

VP Leni at LP stalwarts walang alam sa holocaust

NAGIMBAL ang Palasyo sa pagiging ignorante ni Vice President Leni Robredo at mga kasamahan niya sa Liberal Party (LP) sa lagim na idinulot ng holocaust at nagawa pang ngumiti nang magpakuha ng larawan sa Holocaust memorial sa Berlin.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagimbal siya sa paghingi ng paumanhin ni Robredo sa naging aksiyon ng kanyang pang­kat sa Holocaust Memorial.

“I was shocked when she apologized. Although she has already apologized, I can’t understand what they were thinking (when they did that),” ani Roque.

“I thought: ‘Didn’t they understand the place they were in?’” giit niya.

Mayroon aniyang “code of conduct” na sinusunod ang mga opisyal ng bansa na gabay para hindi gumawa ng kapula-pulang aksiyon sa publiko.

Ang memorial ay nagbibigay pugay at karangalan sa may anim milyong Hudyo na pinaslang ng Nazi Germany noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kasama ni Robredo sa kontrobersiyal na retrato sina Liberal Party members Sen. Francis Pangilinan, Rep. Jose Christopher Belmonte (Quezon City, 6th District), Rep. Teddy Baguilat (Ifugao), Rep. Miro Quimbo (Marikina), Rep. Jorge Banal (Quezon City, 3rd District), Rep. Kaka Bag-ao (Dinagat Islands) at dating Budget Secretary Budget Secretary Florencio Abad.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *