Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Jackal, kailangang supilin ng Filipino Flash

SA bulubundukin, umaawit ng papuri ang mga bandido sa Filipino Flash, Nonito Donaire — ito’y mga awit ng katapangan, pagsamba at respeto para sa maliit na mandirigmang kasalukuyan ay nasa kampanya ng pagbibigay parangal sa bansa sa Belfast sa Northern Ireland.

Sa nalalapit na Sabado ng gabi, Abril 21, nakatakdang harapin ni Donaire si Carl Frampton, na mas kilala bilang The Jackal at kinikilalang idolo sa mga lansangan ng kabiserang lungsod ng Northern Ireland. Paglalabanan nila ang interim featherweight title ng World Boxing Organization, na secondary prize sa gabi kung kailan ang tunay na premyo ay patuloy na paglaban sa top le­vel ng mga featherweight.

“The fight for a future is always the best type of fight in the boxing game where the costume belts are often clutter,” obserbasyon ng isang boxing fan.

Naging world champion si Donaire sa apat na magkakaibang weight class, unang nagwagi sa flyweight noong 2007, na tumagal nang 12-taon walang talo at ngayon, sa edad na 35-anyos, ay mas malapit siya sa kinatatakutang exit kay Frampton. Tanging apat na talo lamang ang masasabing bahid sa boxing record ng The Flash sa 42 laban, at isa rito ay noong batambata pa siya sa kanyang ikalawang laban.

Ang paglipat mula sa isang eight-stone fighter sa nine, ang mabagal na paglipat mula sa flyweight sa mga division tungo sa featherweight ay isang bagay na siya lang at ang Pambansang Kamao, Manny Pacquiao, ang nakagawa. Nagsimula si Pacman bilang flyweight at tumaas pa siya sa light-middleweight.

Ayon sa promoter ng People’s Champ na si Bob Arum, marahil ‘the greatest ever,’ naniniwala siyang hindi kailanman malalaman kung ano ang naging tunay na bigat at laki ni Pacquiao dahil noong kabataan ng kampeon ay sadyang malnutrisyon ang kanyang sinagupa. Hindi ganito ang naranasan ni Do­naire.

“I’m finding the weight now and I don’t feel like I’m carrying any extra weight,” pahayag ng The Flash sa panayam.

Natalo siya sa isang version ng featherweight world title noong 2014 sa mapanganib na fighter na kung tawagin ay Nicholas Walters.

“I was not strong enough at that time, now I’m a proper featherweight.” Wika ni Frampton, na tulad ni Donaire ay humawak din ng world title sa mas mababang timbang na super-bantam bago umangat sa featherweight.

Sa Sabado, ang mapait ngunit tunay na kuwento ay nakatutok sa magiging talunan at kung gaano kaliit ang matitirang oportunidad para sa kanya sa sandaling nag-empake na siya at lisanin ang dressing room.

Rematch lamang ang ‘best option’ para sa natalong mandirigma.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …