Tuesday , December 24 2024

SMB-Alaska legend games sa Gilas break (Throwback Manila Clasico)

WARING magbabalik sa nakaraan ang Philippine Basketball Association sa pagtatampok ng dalawa sa pinakasikat na rivalry sa kasaysayan.

Sisiklab ang Manila Clasico sa pagitan ng Ginebra at Pufefoods habang magbubuno rin ang mahigpit na magkaribal na Alaska at San Miguel sa nala­lapit na PBA break bunsod ng ikalawang round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Bunsod ng 3-1 kartada, pasok na ang Gilas Pilipinas sa second round sa Setyembre ngayong taon at upang mabigyan ng mas mahabang panahon ng ensayo ay hindi magdaraos ang PBA ng iskedyul sa buong linggo.

Ngunit kahit walang regular na laro ang PBA ay isang malaki namang throwback game ang inihanda ng liga para sa mga bago at dating henerasyon ng fans mula nang itatag ito noong 1978.

Inorganisa ng bagong tatag na Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista ng Pilipinas kasama ang PBA ang naturang legend games na gaganapin sa 9 Setyembre o sa 16 Setyembre depende sa pinal na iskedyul ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers second round.

“We sought the PBA’s support and they gave us a warm reception especially because this in an event for a cause,” ani da­ting Crispa coach Atoy Co na siyang hinirang na Pangulo ng organisasyon.

Kompirmado na ang pagkakapit-bisig na ito ng DPBP at PBA matapos ang ginanap na pagpupulong kamakalawa sa PBA office sa Libis, Quezon City kasama si Commissioner Willie Marcial.

Layon ng organisayon na maakay ang mga dating basketbolista na nangangailangan ng tulong sa legend games na magsisilbing fund-raising at charity event.

Ipinangako ni Marcial ang buong tulong ng PBA lalo’t isa rin sa kanilang pangarap at responsibilidad na matulungan ang mga dating manlalaro ng liga.

“They put up a foundation that will be ready to help their peers. We’re cooperating with them and we’re giving them all-out support. Tutulungan natin lumakas ‘yung foundation. Kapag lumakas ‘yon, marami silang matutulungan na nangangailangang dating kasama­han,” ani Marcial.

Ang Ginebra-Purefoods at Alaska-SMB na legends game pa lamang ang unang proyekto ng naturang organisasyon na napangalanan ding Bise Presidente si Philip Cezar, kalihim naman si Ed Cordero, ingat-yaman si Allan Caidic habang miyembro naman ng board sina Kenneth Duremdes, Jojo Lastimosa, Pido Jarencio at Art Dela Cruz.

Inaasahang maglalaro sa legends game sina Caidic, Lastimosa, Patrimonio, Duremdes, Ato Agustin, Hector Calma, Johnny Abarrientos, Bong Haw­kins, Jeffrey Cariaso, Jerry Co­dinera, Chito Loyzaga, Vince Hizon, Marlou Aquino, Noli Locsin, Bal David at marami pang iba.

Ito pa lamang ang ikatlong legends game na mangyayari sa PBA buhat nang magkaroon ng reunion game ang Toyota at Crispa noong 2003 at ang naging exhibition sa pagitan ng 25 Greatest Players noong 2000.

Lahat ng salaping malilikom ay mapupunta sa organisa­syon na planong itulong sa lahat ng dating basketbolistang nangangailangan ng medikal na atensiyon tulad nina Joey Mente, Boybits Victoria at Samboy Lim.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *