Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinimulang transpormasyon ng NFA Council ituloy — Evasco (Hamon kay Piñol)

HINAMON ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na ipagpatuloy ang nasimulang transpormasyon sa mga sistema ng NFA Council upang maipatupad sa National Food Authority.

Si Piñol ang pumalit kay Evasco bilang bagong NFA Council chairman.

“I call the new Chairperson to take advantage of what we have started and continue the systems transformation, so that it can take root in NFA,” ani Evasco.

Si Evasco ay pinalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panahong isinusulong ng Cabinet Secretary ang special audit sa kuwestiyonableng pagbebenta ng apat na milyong sako ng bigas mula Oktubre 2017 hanggang Enero 2018 ni NFA Administrator Jason Aquino.

Ani Evasco, sa kritikal na panahon ngayon dapat patunayan ng NFA ang pagiging tunay na kasama ng magsasaka sa paghahatid ng mas maayos at de-kalidad na mga serbisyo sa mga maralitang Filipino sa pamamagitan ng abot-kayang presyo at de-kalidad na bigas.

Sa kanyang paglisan bilang pinuno ng NFA Council, ipinagmalaki ni Evasco ang malinis niyang track record sa serbisyo-publiko, ni minsan ay hindi siya naimbestigahan sa Ombudsman/ Sandiganbayan dahil sa korupsiyon.

“I have never been investigated by any office on any misdealings, let alone I have never been charged at the Ombudsman/ Sandiganbayan for any corrupt practices,” aniya.

Tiniyak ni Evasco, hindi niya maaaring sirain ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo

“I can never break the trust given to me by our President Rodrigo Roa Duterte especially when he appointed me to the position I am in now, a position I did not ask for it but wholeheartedly accepted in order to help President govern our country to make government responsive to the needs of our people,” pahayag ni Evasco.

Bago ang pagsibak kay Evasco sa NFA Council, may mga ulat na ilang opisyal na nakikinabang sa rice smuggling ang umano’y nanira kay Evasco upang mawalan ng sagabal sa kanilang illegal na gawain.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …