Saturday , November 16 2024

SAP Bong Go kabalikat ng OFWs

TINIYAK ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, makakamit ng pamilya ng OFW na si Ronald Jumamoy ang hustisya sa pagkamatay niya sa Saudi Arabia noong 2016.

Dininig kahapon ni Go, kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Labor Attache Nasser Mustafa, ang hinaing ng pamilya Jumamoy sa Davao City at siniguro ang masusing pagsisiyasat sa pagkamatay ng migranteng manggagawa.

TINIYAK ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go, Labor Secretary Silvestre Bello III at Labor Attache Nasser Mustafa ang hustisya sa pagkamatay ng overseas Filipino worker (OFW) na si Ronald Jumamoy. (Malacañang Photo)

Ipabubusisi rin ni Go ang umano’y kapabayaan ng ilang opisyal sa pagbibigay ng ayuda sa biktima.

Kaugnay nito, ikinagalak ni Go ang magandang resulta sa kaso ng OFW na si Pahima Alagasi.

Sinabi ni Go, natutuwa rin si Pangulong Rodrigo Duterte at natulungan ng pamahalaan si Pahima upang makauwi sa Filipinas at muling makapiling ang kanyang pamilya.

Si Pahima ang domestic helper na binuhusan ng kumukulong tubig ng kanyang amo, apat taon na ang nakalilipas ngunit ngayon lang napauwi makaraan hilingin ni Pangulong Duterte sa prinsipe ng Saudi Arabia na dumalaw sa Palasyo, na tulungang makabalik sa bansa ang distressed OFW.

Binigyan diin ni Go, laging bukas ang Malacañang sa distressed OFWs at nakahanda ang administrasyong Duterte na kagyat na tumulong sa kanilang hinaing.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *