Thursday , February 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Louie, tiniyak na magpapakilig at magpapaiyak sina Barbie at Derrick sa Almost A Love Story

TINIYAK ng award winning director na si Louie Ignacio na magpapakilig at magpapaiyak sa moviegoers sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa pelikulang Almost A Love Story ng movie company ni Ms. Baby Go.

Sinabi ni Direk Louie na bahagi talaga ng istorya ng pelikulang ito ang mga nakakikilig na eksena. “Actually iyong kilig niya ay part of the story, na dapat kasi may kilig para ma-develop mo ‘yung susunod na mangyayari sa film. Makikita naman sa movie ‘yung rapport nina Barbie at Derrick, so roon pa lang ay nakakikilig na talaga.

“So kumbaga, mapapaniwala mo sila na kikiligin ka talaga, pero iiyak ka rin sa movie na ito,” nakangiting saad ng masipag na Kapuso direktor.

Pinuri niya rin ang galing dito nina Barbie at Derrick. “Ibang klase ‘yung dalawa. Basta ‘di ako nahirapan. Masaya ako. Perfect ‘yung casting, ‘yung pairing nila.”

Nabanggit din niyang challenge sa kanya ang pelikula dahil ito ang unang mainstream movie ng BG Productions. “Well, nakaka-challenge of course. Sabi ko nga, it’s about time na gumawa naman ang BG ng ganitong klaseng movie na sana ay mapanood ng lahat, ‘di ba? Maraming mga advocacy films na ginawa ang BG, pero dito sa Almost A Love Story, mai-in love naman ang moviegoers.”

Pero may aral din ba rito na ma-appreciate ng manonood? “Oo naman, yeah. Dere-deretso iyan, sana lang madala sila kung ano man ‘yung gustong palabasin ng story, simple lang e, simple lang ‘yung story,” sambit ni Direk Louie.

Handog ng BG Productions International at sa pakikipagtulungan ng Salento Cinema of Ita-ly, at GMA-7, and distributed ng Regal Films Incorporated, ang Almost A Love Story ay mula sa panulat ni Onay Sales.

Bukod kina Barbie, Derrick at Lotlot, kasama rin sa pelikula sina Ana Capri at Matet de Leon. Showing na ngayon ang pelikulang ito na Graded-B ng Cinema Evaluation Board at Rated-G ng MTRCB kaya puwedeng-puwede itong panoorin ng buong pamilya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Priscilla Meirelles John Estrada

John nasaktan nang matanggap desisyon sa divorce nila ni Priscilla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NGAYONG diborsyado na si John Estrada, puwede na raw nitong ilantad ang …

Izzy Trazona Alvin Aragon Sunshine Garcia Alex Castro

Mga asawa nina Sexbomb Izzy at Sunshine ikinukompara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pa ring netizen ang nagkukompara sa mga naging asawa nina Sexbomb …

Michelle Dee Xian Gaza

Michelle Dee nagsampa ng cyber libel complain vs. Xian Gaza

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGSAMPA sa NBI–Cybercrime Division nitong Lunes, February 16, ang actress-beauty queen …

KimPau Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim may inamin sa bulaklak na bigay ni Paulo: nakaka-girl, napapa-happy ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG paligoy-ligoy at walang kagatol-gatol na inamin ni Kim Chiu na galing sa …

Louie Ignacio Mantsa Pilar Pilapil Gelli de Belen

Direk Louie Ignacio deretsahang ipinahayag, ayaw sa unprofessional na artista

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng kilalang direktor na si Louie Ignacio na kakaibang …