Saturday , November 16 2024

Ayon kay Duterte: Palarong Pambansa hulmaan ng next PH leaders

NAGSISILBING hulmaan ng mga susunod na pinuno ng bansa ang Palarong Pambansa dahil ito’y nagtataguyod nang pagsusumikap, disiplina, teamwork, integridad at pagmamahal sa bayan.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur kahapon.

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang sports ang nagsisilbing daan upang maiwaksi ang kabataan mula sa illegal drugs, kriminalidad at iba pang gawaing labag sa batas, sa opening ceremony ng 2018 Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur, kahapon. (JACK BURGOS)

Binigyan diin ng Pangulo, ang sports ang nagsisilbing daan upang maiwaksi ang kabataan sa illegal drugs, kriminalidad at iba pang gawaing labag sa batas.

Ang kanyang administrasyon aniya ay patuloy na ikakampanya na mapuksa ang mga problema sa lipunan upang matiyak ang isang ligtas at progresibong kinabukasan para sa atin sa kasalukuyan at susunod na mga henerasyon.

“The government remains steadfast in promoting physical education, encouraging sports programs and supporting athletes, especially as they compete in international events,” anang Pangulo.

Pinayohan ng Pangulo ang mga estudyante na huwag pabayaan ang kanilang pag-aaral kahit abala sila sa pagpapakahusay sa sports.

Hinimok ng Pangulo ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak at gamitin ang mga posibilidad para sa pag-unlad ng potensiyal nila.

“To the parents, there is no better way to show your love for your children than to help them realize their potential,” aniya.

“Rest assured that this administration will never stop working hard to make the Philippines a better nation. We, however, cannot do this alone. We call for your participation in making our national plans and programs tangible,” dagdag ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *