HINDI na napigilan ang endoso ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kaniyang trusted aide na si Special Asistant to the President (SAP) Bong Go para sa Senado sa 2019 elections.
Sa pagharap ng pangulo sa tinatayang 2,000 overseas Filipino workers (OFWs) Hong Kong kagabi, ipinakilala niya si Secreatry Go bilang ‘paborito’ niyang senador.
Positibo ang naging pagtanggap ng mga Filipino na mararamdaman sa kanilang malakas na palakpakan at sigaw bilang tugon sa Pangulo.
Sinabi ng Pangulo, kung ano ang kaniyang mga ginagawang pagpapabuti sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Filipino ganoon din ang yapak na sinusundan ni Go.
Ayon sa pangulo, hindi pababayaan ni Go ang kapakanan ng mga Filipino at naniniwala siyang mapagbubuti pa ng kaniyang trusted aide ang magagandang programa ng administrasyon kapag nagsulong ng mga panukalang batas sa Senado.
Kombinsido si Pangulong Duterte, sa ipinakikitang matinding suporta ngayon ng publiko kay Go, dagdag rito ang mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo, walang duda aniyang makapapasok sa mga mananalo.
Binanggit din umano ng Pangulo sa kanyang speech ang iba pang ineendosong senador na sina Assistant Secretary Esther Magaux “Mocha” Justiniano Uson, columnist Ramon “Mon” Tulfo, Presidential Spokeperson, Secretary Harry Roque at dating MMDA chairman Francis Tolentino.
ni ROSE NOVENARIO