Friday , April 18 2025

Duterte, ipinakilala sa int’l community si Inday Sara

MAGIGING regular na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa international events ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay kasama sa official delegation ni Pangulong Duterte sa international engagement ang anak  na si Sara.

Sa ipinadalang mga retrato sa Malacañang Press Corps,  makikitang kasama ng Pangulo sa Boao Forum for Asia si Sara, na ayon sa source ay magiliw na tsinika ng naroong mga bisita.

May pagmamalaki aniyang ipinakilala ni Pangulong Duterte si Sara bilang kaniyang anak at mayor ng Davao City.

Kinompirma ng Palace source, masusundan pa ang pagsama-sama ni Sara sa international trips ng  Pangulo.

Samantala, sasamantalahin ni Pangulong Duterte at Sara ang kanilang bonding moments, kasama ang apo na si Stingray, na kasama rin sa biyahe.

Ipapasyal ng mag- ama ang bata sa Hong Kong Disneyland ngayon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *