Tuesday , December 24 2024
BUMAGSAK ang isang boom construction crane sa katapat na Core Town building mula sa ika-siyam palapag ng ginagawang gusali ng STI Academic Center sa panulukan ng EDSA at P. Celle St., Pasay City kahapon ng tanghali. Nagresulta ang insidente sa pagkamatay ng dalawa katao at ikinasugat ng anim iba pang biktima. (Eric Jayson Drew)

2 patay, 6 sugatan sa bumagsak na crane sa Pasay

PATAY ang dalawa katao habang anim ang sugatan, kabilang ang isang Chinese national, makaraan bumagsak ang isang crane mula sa ika-siyam palapag ng ginagawang gusali ng STI A-cademic Center sa EDSA, Pasay City, kahapon ng hapon.

Nalagutan ng hininga bago idating sa San Juan De Dios Hospital ang isa sa mga biktimang si Jonathan Disredo, 33, crane operator ng Monocrete Construction Corp., dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Agad nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente ang isa pang biktimang si Ronnie Rey Delos Santos.

Inoobserbahan sa nabanggit na ospital ang anim sugatan na sina Kumbo Mabinay, 24, at Jay Ballon, 29, kapwa security guard ng Modern Security Agency; Liu Shen Xiu, 30; Francisco Angca-tan, 59; Melvin Yosores, 28, at Elmer Sedol, 46, pawang mga crane erector.

Sa ulat na nakara-ting kay Southern Police District (SPD) director, C/Supt. Tomas Apolinario, nangyari ang insidente sa panulukan ng EDSA at P. Celle St., Pasay City.

Sinabi ng SPD director, isini-set-up ang crane tower nang bumagsak ito dahil bumigay umano ang ‘pressure’ sa ‘hydraulic cylinder’ na gamit para maitayo ang crane tower na nasa ika-siyam pa-lapag.

Hanggang nabagsakan ng boom (mahabang bakal), ang katapat na Core Town Building na agad ikinamatay ni Delos Santos, habang ang dayuhan na si Xiu ay nadamay habang nasa loob ng comfort room ng nasabing gusali.

Kasamang bumagsak sa crane ang namatay na si Diserdo na si-yang operator nito. Ang lima pang sugatan ay pawang nasa construction site habang nagtatrabaho.

Patuloy ang masu-sing imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *