NAGBUO ng “Task Force Kamao” ang Department of Transportation (DOTr) na tututok sa mga kolorum na sasakyan sa buong bansa.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Land Transportation Tim Orbos, layunin ng colorum drive ng Task Force Kamao na siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero dahil wala silang katiyakan at mapapala sa nasabing mga sasakyan.
Pangungunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang kanilang binuong task force.
Kabilang sa aalalay sa nasabing task force ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang PNP Highway Patrol Group (HPG)
Ang ikakasang Task Force Kamao ay upang suhetohin ang mga pasaway na kolorum at matitigas ang ulo na kapag nahuhuli’y kaawa-awa.
(JAJA GARCIA)