Thursday , December 26 2024

STL tumabo na nang halos P4B!

KUNG susuportahan sana ng lahat ng mga Local Government Unit (LGU), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agency ang Executive Order No. 13, ang all-out war versus illegal gambling ng Pangulong Duterte, hindi lamang P4 bilyon ang maiaambag ng Small Town Lottery (STL) sa kaban ng bayan sa loob lamang ng dalawang buwan.

Sa maniwala tayo o hindi, noong nakaraang Enero tumabo ang STL ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P1.8B na sinundan pa ng P1.9B nang sumunod na buwan ng Pebrero. Ang suma-total na kinita ng 83 Authorized Agent Corporations (AAC), ang aktibong naglalaro ng STL sa iba’t ibang dako ng bansa, ay P3.8B.

Nakolekta na rin ang P140.7M na “shortfall” sa STL noong nakaraang taon.

Mas lomobo pa ang kita sa STL sa nakaraang dalawang buwan kompara sa kaparehas na panahon noong 2017 na P1.8B (P916.5 milyon – Ene­ro, P966.2M – Pebrero).

Para makita natin ang pangkalahatang itinatakbo ng mga palaro ng PCSO, nasa P10.8B na ang kinita ng ahensiya sa dalawang nakaraang buwan (Enero at Pebrero), kasama na rito ang STL. Nakapagtala na ang Lotto ng P5.3B; ang Keno, P943.2M; at ang Sweepstakes, P611.4M.

Sa suma-total, kumita ang PCSO ng kabuuang P7.8B mula Enero hanggang Pebrero noong 2017 kompara sa P10.8B mula Enero hanggang Pebrero nitong 2018. Ibig sabihin, may nadagdag na kita sa halagang P2.9B o pagtaas ng 37.32%.

Kung ganito ang trend ng kita ng PCSO mula sa STL, Lotto, Keno at Instant Sweepstakes, hindi malayong magkatotoo ang P60B na target nga­yong taon.

Pero, posibleng mas bumaba din ang kita at ipinahayag ito mismo ni PCSO General Manager Alexander Balutan sa isang panayam sa kanyang palatuntunang “Mandirigma sa Kawanggawa” sa DZRH. Sinabi ni Balutan na ang posibleng pagbaba ng kita ay bunsod ng kasalukuyang pagrebisa sa mga AAC na naglalaro ng STL.

Mayroong tatanggaling AAC dahil sa mga paglabag nila sa Implementing Rules and Regulations ng STL, kung sino-sino sa nasabing mga AAC ang tatanggalin ay hindi pa muna sinabi ni Balutan. Kadalasan sa paglabag ay hindi tamang pag-remit sa PCSO ng dapat na Presumptive Monthly Retail Receipt (PMMR). Sa madali’t sabi, kung ang isang AAC ay dapat mag-remit ng P50M kada buwan pero nagre-remit lamang ng P30M ay ibig sabihin, mayroon siyang shortfall na P20M.

Basta ang sinabi ng general manager ng PCSO ay “marami-rami” sa 83 AAC ang matsutsugi sa mga susunod na araw. Pero inilinaw naman niya na sa lalong madaling panahon ay mapapalitan din agad upang hindi maisakripisyo ang revenue collection ng gobyerno mula sa STL.

Kailangan repasohin talaga ang STL-IRR u­pang mas mapagbuti pa ng PCSO ang revenue collection nito sa palarong ito na tinaguriang pa­matay sa jueteng, swertres, masiao, peryahan ng bayan, at iba pang anyo ng illegal numbers game.

Gaya ng sinabi ko, ang seryosong implementasyon ng STL ang isa sa nakikita kong mabisang instrumento para lubusan nang mapunas ang illegal numbers game sa ating bansa.

Email: [email protected]

BAGO ‘TO!

ni Florante S. Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *