Saturday , November 16 2024
Duterte Jaywardene Hontoria PMA
President Rodrigo Roa Duterte presents the Presidential Saber Award to Philippine Military Academy (PMA)'Alab-Tala' Class of 2018 Class Valedictorian CDT 1CL Jaywardene Hontoria during the commencement exercises at Fort General Gregorio H. del Pilar in Baguio City on March 18, 2018. ROBINSON NIÑAL JR./PRESIDENTIAL PHOTO

PMA topnotchers anak ng magsasaka ( Valedictorian binigyan ng house & lot )

ISANG anak ng magsasaka at registered nurse ang humakot ng pinakamaraming parangal sa Philippine Military Academy (PMA) CLass 2018 Alab Tala o alagad ng lahing binigkis ng tapang at lakas.

Si Cadet 1CL Jaywardene Galilea  Hontoria, 25-anyos ang topnotcher sa taong ito, isang registered nurse, anak ng magsasaka at tubong  Balabag, Pavia, Iloilo. Pinili niyang mapabilang sa puwersa ng Philippine Navy.

Labing-isang parangal at pagkilala ang natanggap ni Hontoria mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, pangunahin ang Presidential Saber.

Nasa ikalawang pinakamataas na puwesto si Cadet 1CL Ricardo Witawit Liwaden, 24, ng Gawana, Barlig, Mountain Province.

Limang parangal ang kanyang tinanggap, pangunahin ang Vice Presidential Saber.

Si Liwaden ay anak ng isang magsasaka at isang retired teacher, at gustong maging kasapi ng Philippine Army.

Ikatlong puwesto ang nakuha ni Cdt 1CL Junjay Malazzab Castro, 23-anyos, ng Amulung, Cagayan.

Tatanggap siya ng SND saber, anak ng magsasaka, at gustong maging miyembro ng Philippine Army.

Ika-apat na puwesto ay nakuha ng isang babae, si Cadet 1CL Leonore Andrea Carino Japitan, 21-anyos, ng Brgy. Ambago, Butuan City.

Tatanggap siya ng plake, isang driver ang kaniyang tatay, at kawani ng gobyerno ang nanay, gustong maging kasapi ng Philippine Army.

Ikalimang puwesto si Cdt 1CL Mark Jantzen Nono Dacillo, 25-anyos, ng Tumaga, Zamboanga City.

Isang guro ang kaniyang ina, gustong maging sundalo ng Philippine Army.

Ikalawang babaeng kasama sa top ten ng Alab Tala Class 2018 para sa ika-anim na puwesto si Cadet 1CL Jezaira Laquinon Buena­ventura, 22-anyos, ng Bais City, Negros Oriental.

Tatanggap siya ng tatlong parangal, kapwa kawani ng gobyerno ang kaniyang ama at ina. Nais mapabilang sa mga sundalo ng Philippine Army.

Taga-San Clemente, Tarlac ang nasa ikapitong puwesto, si Cdt 1CL Jessie Antonio Laranang, 22-anyos. At gustong magpalipad ng eroplano o fighter jets ng Philippine Air Force.

Tatanggap siya ng Philippine Air Force saber, isang magsasaka ang ama.

Hometown graduate para sa ika-walong puwesto si Cdt 1CL Paolo Balla Briones, 20, ng Camp Allen, Baguio City.

Susunod siya sa yapak ng ama na isa ring sundalo, kasapi ng Philippine Army, bagaman siya ay gustong maging kasapi ng Philippine Air Force.

Habang Philippine Navy ang gustong samahan ng top 9 na si Cdt 1CL Jayson Raymundo Cimatu, 24-anyos,  ng Casiguran, Aurora.

Retiradong sundalo ang ama at siya ang papalit sa pagiging sundalo sa pamilya.

Babae ang nakakuha ng pang sampung puwesto, si Cadet 1CL Micah Quiambao, Reynaldo, 22-anyos, ng Bamban, Tarlac.

Isang guro ang ina at isang self employed ang ama, gustong maging miyembro ng Philipine Air Force.

Samantala, pinakabatang graduate para sa taong ito sa edad na bente anyos, sa susunod na linggo, 21 Marso 2018 ay si Ma. Angelika Escano Fernandez, habang ang pinaka-nakatatanda sa edad na 27 ay si Eugene Ivan Divinagracia Tayona.

(ROSE NOVENARIO)

VALEDICTORIAN
BINIGYAN
NG HOUSE & LOT

SA kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine Military Academy (PMA) commencement exercises, tumanggap ng house and lot ang valedictorian ng PMA.

Sa ginawang “presentation of graduates” na tinatawag isa-isa ang mga nagsipagtapos, nagulat at napa-Wow ang lahat nang tawagin ang valedictorian na si Cadet 1CL Jaywardene Hontoria.

Pagkatapos ianunsiyo ang mga parangal na matatanggap niya, inihayag ng emcee na tatanggap din siya ng house and lot sa Camella Savanna sa Iloilo City.

Hindi magkamayaw sa pagpalakpak ang lahat habang halos mapaiyak sa tuwa ang kaniyang mga magulang.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *