Saturday , November 16 2024
International Criminal Court ICC

ICC ‘nilayasan’ ng PH (Mangmang sa hurisdiksiyon)

TUMIWALAG bilang kasapi ng International Criminal Court (ICC) ang Filipinas.

Ito ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte, base sa kalatas na ipinamahagi sa Malacañang Press Corps kahapon.

Paliwanag ng Pangulo, may sabwatan ang United Nations special rapporteurs at ICC para ipinta siya bilang malupit na human rights violator na nagbasbas sa libo-libong extrajudicial killings.

“I therefore declare ad forthwith give notice as President of the Republic of the Philippines, that the Philippines is withdrawing its ratification of the Rome Statute effective immediately,” ayon sa Pangulo.

Giit ng Pangulo, ang pagtatangka na isailalim siya sa hurisdiksiyon ng ICC ay lantarang pagpapakita ng kamangmangan sa batas.

“The attempt to place me under the jurisdiction of the ICC is brazen display of ignorance of the law. The ICC has no jurisdiction nor will it acquire jurisdiction over my person,” sabi ni Duterte.

Katuwiran ng Pangulo, hindi inilathala sa Official Gazette ang Rome Statue mula nang sumali ang  Filipinas noong 23 Agosto 2011 sa ICC, kaya’t wala itong bisa at hindi maaaring ipatupad.

Ang Rome Statute ang treaty na lumikha sa ICC at pinirmahan sa Rome noong 1998 at isa si noo’y Pangulong Joseph Estrada sa mga lumagda.

Matatandaan, naghain ng reklamong crime against humanity laban kay Pangulong Duterte sina Atty. Jude Sabio, Sen. Antonio Trillanes IV at Magdalo partylist Rep. Gary Alejano dahil sa anila’y malawakang patayan bunsod ng drug war na isinusulong ng administrasyon.

Noong nakaraang buwan ay isinailalim sa preliminary examination ng ICC ang naturang reklamo kasabay ng pag-iingay ng international human rights groups kontra sa drug war ng administrasyong Duterte, lalo na si UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad  Al Hussein na nagpanukalang isailalim sa psychiatric evaluation si Pangulong Duterte dahil sa direktiba sa mga pulis na huwag makipagtulungan sa imbestigasyon ng UN special rapporteurs.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *