ISA ang iniulat na namatay habang pito ang su-gatan habang mahigit 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan ang anim oras na sunog sa Laong Compound, Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City, kahapon ng madaling-araw.
Habang isinusulat ang balitang ito, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng namatay at nasugatang mga biktima.
Ayon sa ulat ni Fire Senior Inspector Pena Borlad ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong 2:54 am sa bahay ng isang Marilyn Cura, ma-ngangalakal ng basura, sa Phase 1 ng Laong Compound ng lungsod.
Nagluluto sa nasa-bing bahay gamit ang kahoy na panggatong nang magliyab at kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.
Sa bilis ng paglaki ng apoy, agad itinaas sa ika-limang alarma ang sunog dakong 5:00 ng madaling araw .
Nahirapan pumasok sa loob ng compound ang mga bombero dahil masikip ang kalye at sinasabing walang nakaabang na fire hydrant kaya’t agad kumalat at lumaki ang apoy.
Bandang 7:02 am nang ideklarang fire-out ang sunog at tinatayang P1.5 milyon ang halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy, at 575 bahay ang nasunog.
Inaalam ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog.
(JAJA GARCIA)