Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Centro Escolar University CEU Scorpions
Centro Escolar University CEU Scorpions

Scorpions, swak na sa playoffs

PASOK na sa playoffs ang lider na Centro Escolar University matapos daigin ang University of Perpetual Help System Dalta, 90-85 kahapon sa 2018 Philippine Basketball Association Developmental  (PBA D) League Aspirants’ Cup sa JSCGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Bukod sa napanatili ang tangan sa tuktok ng standings, naabot na ng Scorpions (7-1) ang kinakailangang ikapitong panalo upang masikwat ang isa sa anim na silya sa playoffs.

At kung sakaling magtuloy-tuloy ang ratsada ay malaki ang tsansa ng CEU na masungkit na rin ang isa sa top 2 puwesto na magbibigay sa kanila ng deretsong tiket sa semi-finals.

Sa kabila nito, hindi naging madali ang panalo ng Scorpions dahil kinailangan pa nilang makarekober matapos lustayin ang 16 puntos kalamangan.

Komportable sa unahan, tangan ang 80-64 na kalamangan, biglang nagkumahog sa dulo ang Scorpions nang dumikit hanggang 85-83 ang Altas bago nila tinapos ang laro sa 5-2 panapos na bomba tungo sa mahirap na panalo.

Umariba sa 27 puntos si Rich Guinitiran habang kumayod ng 22 puntos at 12 rebounds ang Congolese import na si Rod Ebondo.

Sumuporta rin sa Joseph Manlangit ng 16 puntos at 7 rebounds para sa CEU na kinubra ang kanilang ikaapat na sunod na panalo buhat nang malasap ang katangi-tangi nilang kabiguan kontra Go For Gold noong nakaraang 25 Pebrero.

Sa kabilang banda, hindi rin sumapat ang 23 puntos, 17 rebounds at 4 supalpal ni Prince Eze sa Perpetual na nalasap ang kanilang ikatlong sunod na panalo tungo sa 2-5 baraha.

Sa unang laro, sinilat ng Gamboa-St. Clare (4-3) ang Zark’s Burgers-Lyceum (4-4), 107-106 sa pangunguna ng Filipino-American na si Trevis Jackson na nagtala ng game-high na 29 puntos. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …