Saturday , November 16 2024

Tiyan ni misis biniyak saka tsinaptsap ni mister (Sanggol nais makita)

SA kagustuhan makita ang anak sa ina­kalang buntis na misis, biniyak ang ti­yan pero nang walang makitang sanggol ay tsinaptsap ng mister ang kanyang asawa sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, nitong Linggo.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang biktimang si Heidi Estrera, 46, head maintenance crew ng Sister of Mount Carmel Catholic School, at residente sa Blk. 4, Lot 7, Saint Michael St., Republic Avenue, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Iniharap sa mga mamamahayag sa pulong balitaan kahapon ang arestadong mister na si Orlando Estrera, 43, maintenance crew rin sa Sister of Mount Carmel Catholic School.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 5:00 pm nang mangyari ang insidente sa bahay ng mag-asawa.

Nauna rito, narinig ng kapitbahay na nagtatalo ang mag-asawa hanggang nanahimik.

Pagkaraan, nakita ng ilang mga batang naglalaro sa harapan ng bahay ng mag-asawa ang suspek na isa-isang inilalabas ang mga bahagi ng katawan ng biktima.

Agad ipinaalam ng  mga bata sa nakatatanda ang kanilang nakita kaya nakarating sa kaalaman ng barangay at pulisya.

Sa kanilang pagresponde, tumambad sa mga awtoridad ang putol-putol na katawan ni Heidi sa sala ng bahay habang ang mister ay agad dinakip. Hindi itinanggi ng mister ang ginawang pagkatay sa asawa.

Sa report ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), hindi lang biniyak sa tiyan ang babae kundi biniyak din sa ulo, tinanggalan ng utak, binalatan ang mukha, tinapyasan ng dibdib, at pinutulan ng magkabilang mga kamay at paa.

Ayon sa suspek, nagawa niyang biyakin ang tiyan ng biktima sa pag-aakalang nagdadalantao ang kanyang misis.

Nais niyang makita sa loob ng tiyan ng kanyang misis ang kanilang magiging-anak ngunit nabigo siya kaya tsinaptsap ang ginang.

Dahil sa mga pahayag ng suspek, sinabi ni Eleazar na isasailalim sa psychiatric test ang lalaki para malaman kung may diperensiya sa pag-iisip.

Inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong parricide laban sa suspek.

ni ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *