Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coleen Garcia Billy Crawford

Billy Crawford at Coleen Garcia, inintriga dahil sa ‘offensive’ pre-nup photos sa Ethiopia

BINABATIKOS sina Billy Crawford at Coleen Garcia, in connection with their pre-nup photos that was taken in Simien Mountains in Ethiopia, Africa.

“Offensive, inappropriate, at insensitive” raw ang paggamit umano ng Ethiopian women and kids sa kanilang pre-nup shoot.

March 10 nang ibinahagi nina Billy at Coleen ang kanilang pre-nup photos  sa  kanilang Instagram accounts. Ini-release rin ang iba nilang retrato sa Instagram account ng @mymetrophoto.

As of press time, tinanggal na nina Billy sa kanilang Instagram accounts ang kanilang pre-nup photos na may kasamang local inhabitants ng Simien Mountains.

But some netizens were able to get some screen shots of the controversial photos.

Sang-ayon sa ilang netizens, hindi raw da­pat ginamit na “props” especially ang Ethiopian kids sa pre-nup shoot ng couple.

At any rate, may netizens pang nagsabing nagpapakita raw ng discrimination laban sa local inhabitants ng Simien Mountains ang pre-nup shoot ng couple.

Pero may mga nagtanggol din sa couple na ilang netizens at nagsabing ‘haters’ lang daw nina Billy at Coleen ang nagbibigay ng malisya sa other­wise ay innocent photo shoot ng dalawa.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very. very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …