Help others and give something back. I guarantee you will discover that while public service improves the lives and the world around you, its greatest reward is the enrichment and new meaning it will bring your own life.
— Arnold Schwarzenegger
PASAKALYE
Text po sa inyong lingkod:
Bakit noong panahon ni Mayor (Lito) Atienza at Mayor (Alfredo) Lim (ay) lagi pong ‘on time’ ang sahod ng city hall employees at day care teachers kaya naba-budget nilang maige ang gastusin ng pamilya nila? Pero ngayon bakit laging late at may aberya ang sahod namin kaya puro utang at kapos lagi kami? Sana Mayor Erap (Estrada), makarating sa kaalaman mo ito dahil sa panahon mo lang nangyari ito. Kawawa naman (ang) mga pamilya namin. Puro nakaw yata (ang) inaatupag ng mga tao mo. – Manila City Hall Employees and MLAC (Manila Leaders Against Corruption), 091528905… March 3, 2018
***
SA atin pong pasakalye (sa ibabaw) ay nabanggit natin ang pagkaantala ng sahod ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Tunay pong nagkakaroon ng delay pero minsa’y sinasadya ito kaya dito pumapasok ang korup-siyon.
Nakarating po sa Pangil ang anim na buwang pagka-delay ng sahod ng ilang mga job order employees ng Ospital ng Santa Ana. Maayos sana kung tunay ngang may magandang dahilan kung bakit nagkakaganito — paano kung hindi? (Hinihintay ko lang po ang buong detalye ng problema nila kaya sa susunod ay mailalahad ko po ito nang kompleto at walang kulang).
Sa Caloocan City, nadiskubre natin na may kasabwatan ang nagpapasahod sa city hall para sadyang ibitin ang sahod ng mga JO at mapilitan silang mangutang.
Hulaan n’yo kung sino ang nagpapautang…
E ‘di sino pa kundi iyong kontak na nagpapa-5/6 na kaibigan ng kaherang nagpapasahod sa mga JO!
Kung ganito ang nangyayari sa Caloocan, marahil ay nangyayari din ito sa iba pang lungsod at munisipalidad, hanggang sa kaliiit-liitang barangay.
Talaga nga naman ang Pinoy… magaling mag-isip ng pagkakaperahan!
ISA pa pong isyu . . .
Sobra naman itong mga nasa Ospital ng Tondo na naniningil ng P50 mula sa mga pasyente para makakuha ng ID o card bago sila asikasohin sa kanilang sakit!
Alam mo ba ito, Mayor Erap?
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL
ni Tracy Cabrera