Saturday , November 23 2024

Paras susubok sa NBA

HINDI na tutuloy sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang Filipino teen sensation na si Kobe Paras upang sumugal sa 2018 National Basketball Association Rookie Draft sa Hunyo.

Inianunsiyo ng 20-anyos na si Paras ang kanyang malaking desisyon kamakalawa sa kanyang opisyal na social media account.

“If you know me, you knew this was coming. Thank you CSUN, but it’s time,” aniya. “I’m going pro.”

Kasalukuyang ginugugol ni Paras ang kanyang isang taong residency sa California State University Northridge (CSUN) bunsod ng paglipat mula sa Creighton University at maaari na sanang maglaro sa susunod na season ng US NCAA.

Ngunit ang pagkakatanggal ng head coach na si Reggie Theus na siyang lumigaw sa kanya patungong CSUN ang umano’y nag-udyok kay Paras upang kanselahin ang paglalaro sa kolehiyo at ituon ang atensiyon sa paghahanda sa NBA.

Kinompirma ito ng Middlebrooks Academy na siyang handler ni Paras sa kanilang opis-yal na pahayag na inilabas din sa social media. Nangako rin sila ng suporta kay Paras sa bagong misyon nito.

Ngunit higit dito, inamin ni Paras sa kasunod na pahayag na ang kanyang pangarap ang mas nakapaghimok sa kanyang tumungo sa propesyonal na basketbol.

“I know it seems like a giant step that no one was expecting, but that is what makes this one of the greatest announcements of my life,” aniya. “It’s time for me to shape my own destiny in an even bigger wave.”

Buo ang suporta ng kanyang  ama na si Benjie Paras gayondin ang tiwala ng buong bansa sa hangarin niyang ma-ging kauna-unahang Filipino basketball player sa NBA.

“My son is taking one of the hardest steps in his journey to date and embracing full manhood,” anang katangi-tanging Rookie MVP ng PBA na si Benjie.

“As it will not be easy, he has the full support of his fa-mily to embark upon this journey and see where it leads him. Kobe is mature enough to handle this decision and knows his country is behind him.”

Noong nakaraang taon, nirepresenta ni Paras ang Filipinas sa FIBA 3X3 World Cup, Wiliam Jones Cup at sa Southeast Asian Games na nagwagi ng gintong medalya ang koponan.

Sa darating na NBA Draft sa June sa Brooklyn, hangad ni Paras na maging representas-yon ng bansa sa NBA.

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *