Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Danny Shaun Dave Ildefonso National University NU Bulldogs

Dave Ildefonso sasama sa ama at kapatid sa NU

MAS piniling samahan ni Dave Ildefonso ang kanyang ama at kapatid sa National University kaysa ipagpatuloy ang kanyang karera sa college basketball da Ateneo.

Matapos ang paglalaro para sa Ateneo Blue Eaglets sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) juniors basketball division, magkokolehiyo ang 17-anyos na si Dave sa NU na kinaroroonan ng kanyang ama na si Danny at nakatatandang kapatid na si Shaun.

“As I enter a new chapter in my life, I will always carry with me the solid foundation Ateneo has given me,” ani Dave sa kanyang pamamaalalam sa Ateneo.

“That foundation will always be part of who I am and who I will eventually grown into as an athlete, and more importantly as a person.”

Kagagaling ni Dave sa pambihirang performance sa UAAP Season 80 Finals na siya ang nagrehistro ng 13.1 puntos, 8.3 rebounds at 1.1 steals upang mabuhat sa kampeonato ang Blue Eaglets.

Magugunitang noong nakaraang taon ay lumipat ang PBA legend na si Danny Ildefonso bilang assistant coach sa Ateneo High School patungo sa kanyang alma mater na NU upang maging assistant coach ni Jamike Jarin sa college basketball team na Bulldogs.

Matapos iyon, lumipat din ang kanyang nakatatatandang anak na si Shaun sa NU mula naman sa Ateneo Blue Eagles college basketball team.

Ginugugol ni Shaun ngayon ang kanyang isang taong residency at inaasahang maglalaro na sa susunod na sa paparating na Season 81 ng UAAP kasama ang paparating na freshman na kapatid na si Dave.

Sasamahan nila ang mga bata rin ngunit palabang manlalaro ng NU na sina John Lloyd Clemente at Mattew Aquino sa misyon ng Bulldogs na makabalik sa Final Four.

Kinapos ang NU noong Season 80 bunsod ng 6-8 kartada sa kanilang unang taon sa ilalim ng coach na si Jarin.  (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …