Saturday , November 16 2024
NPA gun

3 sundalo/pulis todas sa NPA Sparrow kada araw

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatlong sundalo o pulis kada araw ang napapatay ng special partisan unit (SPARU) o mas kilala bilang Sparrow unit ng New People’s Army (NPA) sa buong bansa.

Pinayohan ni Duterte ang mga tropa ng pamahalaan na maging mapagmatyag at alerto sa mga nagkalat at aktibong muli na urban hit squad ng NPA lalo na’t may direktiba ang pamunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na paigtingin ang operasyon laban sa kanila nang tuldukan ng Punong Ehekutibo ang peace talks sa kilusang komunista.

Pinag-iingat ni Duterte ang sundalo’t pulis sa kanilang paligid , lalo kapag nasa bahay bunsod ng ilang insidente na tinambangan ang mga tropa  ng pamahalaan habang nasa kanilang mga tahanan o kaya’y kapag namamalengke paglabas ng kampo.

Ito aniya ang dahilan kaya binigyan niya ng mga baril ang mga sundalo para proteksiyon sa NPA at naglunsad ng TienDA ng Bayan ang Department of Agriclture upang ang kagawaran ang magsu-supply ng pangangailangan ng mga tropa ng pamahalaan, sa bahay at kampo.

Ang target aniya ng sparrow ay dalang baril ng mga sundalo’t pulis.

 (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *