MAY ipinasang batas si Cong. Alfred Vargas sa Kongreso na tinawag niyang Housebill 1570. Ito’y para sa Filipino filmmakers (mainstream or independent) at sa industry player (actors, directors and scriptwriters) na makatatanggap ng incentives, kapag nanalo ang kanilang pelikula na kasali sa isang international competition or festival.
“Basta Pinoy film ka, kapag nanalo ka ng full length or documentary sa International award giving boy, mayroon kang P5-M. Mayroon kang P3-M kapag short film or documentary. Mayroon ka ring P2-M kapag Best Director ka or Best Actor. Tapos kung Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, at saka minor na technical awards, mayroon ka namang P1-M,” sabi ni Cong. Alfred.
Pero ang talagang intensiyon ni Cong. Alfred na mabigyan ng incentives ay ang mga independent filmmaker.
Katwiran niya, “Para lalo silang maengganyo (na gumawa ng pelikula). Kasi sa panahon ngayon, minsan, ang ganda-ganda ng movie, hindi naman sila nakababawi, ‘di ba? So, natatagalan bago sila nakakapag-poduce ulit ng magagandang films. So with this proposal, with this housebill, hopefully, lalong maeengganyo ‘yung ating filmmakers. Basta sumali ka, manalo ka, mayroon kang incentives from the government.”
MA at PA
ni Rommel Placente