UMAASA ang Palasyo, magsasagawa ng parallel investigation ang Ombudsman sa isyu ng umano’y pandarambong sa pondo ng MRT-3 ng nakalipas na administrasyon.
“That’s without prejudice. And we are hoping that the Ombudsman is conducting its own parallel investigation because an official complaint has already been filed,” ani Roque.
Hirit ni Roque, kung kulang man ang ebidensiya ay maaaring ang Ombudsman ang mangalap ng katibayan kung nanaising lumabas ang katotohanan.
“Alam mo ang diperensiya naman po sa Ombudsman, kung may kakulangan na ebidensiya puwede namang ang Ombudsman na ang kumuha ng ebidensiya kung gusto ng Ombudsman; kung ayaw ng Ombudsman wala tayong magagawa,” giit ni Roque.
“Kaya nga inaasahan natin na magiging patas ang ating Ombudsman bagama’t siya po ay kaalyado ng nakaraang administrasyon,”sabi ni Roque.
(ROSE NOVENARIO)