Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Milby Yassi Pressman

Yassi, sa parinig ni Sam na crush siya: Not now! 

SA pelikulang Camp Sawi unang nagkatrabaho sina Sam Milby at Yassi Pressman. Pero hindi sila ang magkatambal dito. At nagkasama lang sila sa iisang eksena, kaya hindi sila nagkaroon ng chance na makilala nang husto ang isa’t isa. Pero rito sa Ang Pambansang Third Wheel, launching movie ni Yassi, ay magkatambal na sila ni Sam, si Sam ang leading man niya. Kaya naman marami silang eksena together.

Sa presscon ng pelikula, tinanong ang dalawa kung ano ang na-discover nila sa isa’t isa since lagi na silang magkasama sa mga eksena.

Sabi ni Yassi, ”Na-discover ko po kay Sam, tahimik po pala siya. Sa totoong buhay, very nice. Gusto niya na busog po kaming lahat sa set. Very caring. Wala akong masasabng masama tungkol kay Sam kasi very sincere po siya sa lahat ng tao, ayun.”

Sinang-ayunan naman ni Sam ang sinabi ni Yassi tungkol sa kanya na tahimik siyang tao, ”Yes totoo, medyo introvert ako, so I can be quiet sometimes.”

At ang masasabi at na-discover naman niya kay Yassi ay kabaligtaran niya ito. ”Si Yassi, opposite ko siya, extrovert, and I like that. She’s full of energy. She loves to dance although dancer siya. She loves to sing. She sings all the time, kahit madaling araw. Grabe ang energy niya. She really gives a lot of energy sa set.”

Sa tanong naman kay Sam kung attracted siya kay Yassi, ang sagot niya ay, ”Yes, of course, attracted ako sa kanya. Kasi noong Metro Manila Filmfestival before, mayroon siyang ginawang movie rito, nakita ko siya. Crush ko siya.”

Sa sinabing ito ni Sam na may pagtingin siya kay Yassi, ay kinuha naman ang reaksiyon dito ng dalaga. At tinanong rin siya na paano kung ligawan siya ni Sam since pareho silang single ngayon? Ang natatawang sabi ni Yassi, ”Hindi niya po ‘yan sinabi ever sa akin. Ngayon po kasi, sobrang focus po talaga ako sa work. At saka siya rin po, focus rin siya sa sarili niya. Ang dami-dami po kasing blessings na dumarating sa buhay ko ngayon. Matagal ko rin pong hinintay ‘yung mga pagkakataon na dumarating sa akin. Ayoko rin naman po siyang sayangin na mahati ‘yung atensiyon ko. Mahirap din naman po kasi na half lang ‘yung maibibigay mo rito, half lang dito. More of a giver po kasi ako bilang isang tao. So, gusto ko po ‘pag nagbigbay ako, buong-buo. So maybe not now po.”

Showing na sa March 7 ang Ang Pambansang Third Wheel mula sa Viva Films at Ideal First Company. 

 MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …