Saturday , November 16 2024

Roxas, Abad, Abaya et al dapat managot sa prehuwisyo sa MRT 3

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida na panagutin ang mga dating opisyal ng Department of Transportation and Communications (DoTC) kaugnay sa prehuwisyo sa mga pasahero ng mga aberya sa MRT-3.

“There was a decision that cases will be pursued for those behind the miserable performance of MRT-3,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon.

“The President asked SolGen Calida to look further into this matter,” dagdag ni Roque

Tinukoy ni Roque ang mga dating opisyal ng administrasyong Aquino na sina dating DoTC secretary Mar Roxas at Joseph Emilio Abaya, at Budget Secretary Butch Abad na sanhi ng pasakit na dinaranas ng mga pasahero ng MRT-3 dahil ipinagkaloob nila ang maintenance contract sa Korean contractor, Busan Universal Rail, Inc. (BURI) na kapos sa kakayahang isakatuparan ang trabaho.

“I think we know already that it includes the former Transportation secretary, that includes even Mr. Mar Roxas, it includes Budget Secretary Butch Abad and among others. This is for the award of the contract to a company with absolutely no track record; a company that was obligated to repair 26 coaches and they only delivered two; and they even supplied the wrong signaling system,” ani Roque.

Noong Nobyembre 2017, sinampahan ng kasong plunder ng DOTr sina Roxas, Abaya at Abad hinggil sa umano’y maanomalyang P3.8-B maintenance contract ng MRT-3 sa BURI.

Kaugnay nito, ibinalik ng administrasyong Duterte sa Sumitomo Corp., ng Japan ang maintenance contract ng MRT-3.

Ang Sumitomo Corp., ang orihinal na maintenance contractor ng MRT-3 ngunit pag-upo ng gobyerno Aquino noong 2010 ay tinanggal at ipinalit ang BURI.

“They have concluded already the survey of what needs to be done and from what I understand, Sumitomo found out that it was worse than they expected. But they have fixed time table. Unfortunately I do not have the power point presentation with me. But there is a date already specified.There’s already a government-to-government contract entered into by the Philippines and Japan that would enable Sumitomo to come back,” sabi ni Roque.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *