MASAYA si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang buong gabinete sa nasungkit na top 1 ranking ng Filipinas bilang magandang pagbuhusan ng puhunan sa buong mundo ngayong 2018.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, naging masigla at masaya ang cabinet meeting kamakalawa ng gabi sa Palasyo dahil sa resulta ng US News & World Report survey, “the Philippines is the best country, the number one country to invest in for 2018.” Tumanggi aniyang angkinin ng Pangulo ang kredito sa natu-rang karangalan sa halip ay ibinalik sa kaniyang gabinete ang papuri.
(ROSE NOVENARIO)