Saturday , November 16 2024

8 senador ginagapang sa impeach Sereno

“NUMBERS game” ang iiral sa Senado bilang impeachment court kaya’t ngayon pa lang ay ginagapang na umano ng oposisyon ang walong senador na tutuldok sa pagtatangkang patalsikin si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa source sa intelligence community, abala ang “Times St.” sa pakikipagpulong sa mga mambabatas na may layuning himukin silang bumoto laban sa impeachment kay Sereno.

Kailangan ng 2/3 ng 23 senador o 15 ang masungkit na boto ni Sereno para biguin ang pagpapatalsik sa kanya bilang Punong Mahistrado.

Anang source, sa ngayon ay pitong senador pa lang ang tiyak na nasa panig ni Sereno, ito’y sina Senators Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Bam Aquino, Francis Pangilinan, Antonio Trillanes IV, at Leila de Lima.

Dagdag ng source, nagluluto umano ng “constitutional crisis scenario” ang oposisyon, lalo na’t may isinusulong na quo warranto petition laban kay Sereno sa Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida.

Pinaghahandaan u­ma­no ng oposisyon ang tsansang paboran ng Supreme Court en banc ang petisyon ni Calida kaya’t kailangang magtagumpay sila sa pagbigo sa impeachment kay Sereno sa Senado.

“Sakaling magkaiba ang desisyon ng SC at Senado, tiyak na malilito ang Malacañang kung kaninong desisyon ang ipatutupad na maaaring magbigay daan sa constitutional crisis, banggaan ng sangay ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura. Ang ganitong senaryo ay magpapaguho sa gobyerno na maaaring humantong sa kaguluhan,” anang source.

Sa press briefing kahapon, tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi uubra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang “consti crisis scenario.”

“Hindi po papayagan ni Presidente na magkaroon ng constitutional crisis. Magtiwala po kayo sa Presidente na pinagtitiwalaan ng pinakamataas na numero ng mga Filipino sa nakalipas na dala­wampu’t walong taon,” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *