HINDI naman pala basta nabugbog ng kanyang bayaw si Baron Geisler. Sabi ng kanyang kapatid mismo, si Grace Geisler Morales, dumating isang madaling araw si Baron sa kanilang tahanan ng nakainom at pinipilit pag-usapan ang mga “naiwan” ng yumao nilang ina.
Ang sinasabi ni Grace, kinukompleto pa nila ang lahat ng mga papeles para makuha ang lahat ng claims at saka nila pag-usapan kung ano man ang naiwan ng kanilang ina kung nandiyan na. Pero dahil lasing nga, iba ang dating ni Baron. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit siya nabugbog.
Ang akusasyon ni Baron, hindi “transparent” ang kanyang kapatid at ayaw makipag-usap sa kanya. Sinasabi naman ng kapatid niya na ”mag-uusap kami kung hindi siya lasing.”
Masakit pa ang sinabi ni Grace, ”showbiz industry, I don’t think Baron will ever change, sad to say.”
HATAWAN!
ni Ed de Leon