KUNG may mag-aalok, handa pala si Paolo Ballesteros na maging leading man n’ya si Piolo Pascual sa isang pelikula.
At okey na okey din sa kanya sakaling may mag-alok na maki-trayanggulo siya kina Piolo at Mark Bautista.
Simpleng Tatsulok ang mairerekomenda n’yang titulo ng pelikula.
“Hypothetical” lang, ‘yung tipong “Paano kung…” ang mga tanong na sinagot ni Paolo sa sideline ng press conference kamakailan para sa latest n’yang pelikulang Amnesia Love.
Ang aktor na ‘di na itinangging na siya ay bading na gumaganap na lalaki sa ilang bahagi ng Amnesia Love.
Sa istorya, isa siyang bading na aksidenteng nahulog sa bangin, bumagsak sa dagat, natagpuan ng isang mag-asawa, iniuwi sa bahay nila para mahimasmasan.
Pero paggising ng bading, may amnesia na siya, at pati ang sexual orientation n’ya ay nakalimutan na n’ya. Iibig sa anak na babae ng mag-asawa na ginagampanan ni Yam Concepcion.
May eksena nga sila ni Yam na maghahalikan ng lips-to-lips at magpapagulong-gulong sa beach sa tindi ng pagnanasa nila sa isa’t isa.
As usual sa press conference ng isang pelikula, pagkatapos ng formal na open forum, may group interviews at solo interviews na puwede nang magtanong tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa pelikula. Roon napag-trip-an ng ilang press people na tanungin si Paolo ng hypothetical questions na kung saan-saan napupunta.
Dahil sa libro ni Mark Bautista na umamin na siyang bi-sexual, at natsismis sa blind items noon na nagkaroon ng kaugnayan sa isang aktor, may press people na naisip agad na tanungin si Paolo kung sino ang pinapangarap n’yang maging leading man ‘pag gumanap siyang bading, ang mabilis n’yang sagot ay si Piolo nga.
At si Paolo pa ang nag-suggest na sakali ngang may mag-alok sa kanya ng pelikulang magiging leading man n’ya si Piolo, mas exciting kung isama na rin sa kanila si Mark.
Bilib nga siya kay Mark sa pag-amin ng singer-actor sa sekswalidad n’ya at pagtatapat sa estilong “blind item” tungkol sa mga nakarelasyon n’yang mga lalaki, bading, at babae.
Well, hypothetical lang nga ang mga tanong kaya’t hypothetical lang din ang mga sagot ni Paolo.
Tinanong din nga pala siya kung gusto rin n’yang gumawa ng libro tungkol sa kanyang buhay, ang sagot n’ya ay ‘di n’ya kailangan ang ganoong libro dahil “open book” na nga ang buhay n’ya.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas