MABAIT na rin naman ang komedyanteng ito na balitang pinendeho ng kanyang misis na nasa showbiz din.
Tandang-tanda kasi ng aming source ang minsang pag-uusap nila ng komedyanteng ito noong kasagsagan ng kanyang malaking hinampo sa kanyang magandang dyunakis na pinararantangang walang utang na loob.
Nang tanungin kasi ng aming source ang komedyane kung handa ba siyang ilantad on national TV ang ginawang pagtataksil sa kanya ng noo’y dyowa niya, iiling-iling na sey nito, “Huwag na lang, mudra pa rin naman siya ng mga dyunakis namin.”
Ang nakakaloka, mismong ang dating dyowa niya ang proud sa kanyang kataksilan. “Naku, kulang na lang, eh, pangalanan niyong hitad na ‘yon kung kanino niya ipinagpalit ang komedyanteng dyowa niya, ‘no! Maging proud pa ba sa isang bagay na kasuklam-suklam?!”
Da who ang komedyanteng itey na kung tutuusi’y napakabait na rin to think na siya na nga ang niloko ay siya pa itong marunong magpakumbaba?
Itago na lang natin siya sa alyas na Alden Sedilla.
(Ronnie Carrasco III)