FINISH line. Mga medalya. Takbuhan!
Sa Cebu, pinalaki siyang mag-isa ng amang niwan ng kanyang asawa. At ang ama niya ang sumuporta sa mga pangarap ni Mary Joy Tabal sa pangarap nito sa larangan ng pagtakbo. Kaya ang mga bundok sa lugar nila sa Cebu ang inaakyat-baba ng dalaga. At naging laro na nga nilang mag-ama na kung mabilis siyang mabibili ang gamot nito eh, may premyo siya. At doon nahasa ang bilis niya sa pagtakbo.
Nang magkasakit ang kanyang ama, at saka nabuksan ang isip nito na kailangang alagaan na ang kanyang mga anak. Kaya naman ang buwelta ni Mary Joy eh, ang pag-igihin ang kanyang pag-aaral at pananalo sa mga sinasalihang paligsahan.
Dumating ang pagkakataong na-bully din siya sa eskuwelahan pero lalo lang nitong pinag-igi ang kanyang pag-aaral at pagtakbo. Nang ma-break niya ang fastest record sa Milo National Marathon, kinilala siyang Marathon Queen. ‘Sangkaterbang gold medals at honor sa bansa ang iniuwi ni Mary Joy, making her the first Filipina Olympic Marathon runner. Nakatulong din ito para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, earning her a master degree pati na ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Tinulungan din niya ang mga bata ng Guba sa kanyang Grassroots program, libreng track and field training sa kanila.
Nang magkasakit ang ama ibinawal sa kanya ang lumapit dito sa panahong ipagtatanggol niya ang titulong Marathon Queen for the 5th time. Pero ilang oras bago ang kanyang takbo, nalagutan ng hininga ang amang nangakong makikita niya sa finish line.
Naabot ba niya ang pangarap? Napatawad ba niya ang ina?
Mula sa direksiyon ni Raz dela Torre ang istoryang isinulat ni Akeem del Rosario na tatampukan nina Sharlene San Pedro as Joy, Ashley Sarmiento as Young Joy, Dominic Ochoa as Rolando, Katya Santos as Anabell, Celine Lim as Fe, Faye Alhambra as Young Fe, at Ced Torrecarion as Coach Gonzales ngayong Sabado, Pebrero 24, sa MMK (Maalaala Mo Kaya).
HARDTALK
ni Pilar Mateo