Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rappler, CIA sponsored — Duterte

“CIA-sponsored” ang online news site Rappler kaya’t ginagamit ang bawat oportunidad para siraan ang administrasyong Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media interview sa kanyang pagbisita sa Sara, Iloilo sa burol ni Joanna Demafelis, ang overseas Filipino worker (OFW) na natagpuan sa freezer sa Kuwait.

Sinabi ng Pangulo, hindi lehitimong media agency ang Rappler, batay sa desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC), hindi Filipino ang may-ari at baka sponsored ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.

“Because it is not a legitimate agency according to SEC. So I am now invoking executive action based on the SEC ruling na kung sabihin na sila legitimate sila, pasok kayo uli. Walang problema sa akin ‘yan. But unless ‘di ka legitimate, ‘di naman Filipino pala may-ari, e bawal ‘yan e. Baka CIA sponsored e bawal ‘yan,” tugon ng Pangulo nang usisain sa pasya niyang ipagbawal na papasukin ang Palace beat reporter ng Rappler sa Malacañang complex.

Giit ng Pangulo, ang CIA, gaya ng Rappler ay sinusunggaban ang bawat tsansa na siraan ang gobyernong hindi sumusunod sa kanila at nag-aalaga ng mga kalaban ng pamahalaan na gusto nilang ibagsak.

“Kasi CIA has been known…’yung Rappler, the newspaper itself…takes every chance to undermine you, that is the history of America, CIA, ‘yang political dissenters inaalagan nila, mamimili sila ng kandidato na mautusan nila,” dagdag ng Pangulo.

Upang patunayan ang kanyang pahayag, hinamon ng Pangulo na basahin ang isusulat ng Rappler hinggil sa kanyang sinabi at tiyak aniya na babaluktutin ito.

“Basahin mo ang Rappler mamaya. You make the report now and they will make a distortion. Basahin mo, tingnan mo ‘yung reporting nila, magkasama man tayo lahat,” dagdag ng Pangulo.

Noong Disyembre 2016,  inamin ng Pangulo na may posibilidad na kumikilos ang Amerika para pabagsakin ang kanyang gobyerno kasunod nang nabulgar na si dating US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ay nagbalangkas ng oust Duterte blueprint.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …