Friday , May 16 2025
yundai Heavy Industries hHI
yundai Heavy Industries hHI

HHI blacklisted sa South Korea (Contractor ng PN frigate project)

LUMABAS sa pagdinig ng Senado na may kinahaharap na kaso sa South Korea ang contractor ng Philippine Navy Frigate project, ang Hyundai Heavy Industries Co. Ltd ( HHI).

Sa naturang pagdinig, ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson na na-convict ng South Korean court ang HHI, at ban o blacklisted sa pagpasok ng anomang kontrata.

Kinuwestiyon ni Lacson ang local representative ng HHI na si Sandra Han kung bakit hindi ipinagbigay-alam sa Philippine Navy o sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroon kinahaharap na kaso ang kanilang kompanya sa South Korea.

Ani Han, hindi sila naimpormahan sa kaso at hindi rin nila obligasyon na ipaalam ito sa Philippine government.

Hindi ito kinagat ni Lacson dahil aniya ang buong South Korea ay alam na ang kanilang kaso at ban ang HHI sa korte.

Sa kabila nito, iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanila pa rin itutuloy ang proyekto dahil kailangan ito ng Philippine Navy.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Blind Item, Gay For Pay Money

Anim arestado sa Dagupan dahil sa vote-buying para sa Celia Lim slate

DAGUPAN CITY — Anim katao ang inaresto ng mga awtoridad sa Sitio Mantipac, Barangay Mayombo …

Malabon Police PNP NPD

2 huli sa pananahi ng pekeng branded na panty at bra

NALAMBAT ng tauhan ng Malabon Police ang isang may-ari at supervisor matapos salakayin ang isang …

Comelec Elections

2025 Voter turnout pinakamataas sa PH election history — Comelec

KINOMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na ang 2025 ang may pinakamataas na voter turnout …

Termite Gang

P3.7-M alahas, pera nakulimbat ng ‘Termite Gang’ sa Pawnshop

ISANG manhunt operations ang inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang miyembro …

QCPD Quezon City

2 pulis-QC nanggulo sa bar, inaresto ng mga kabaro

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Holy Spirit Police (QCPD – …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *