Tuesday , October 19 2021

Gabinete ni Digong ‘humugos’ sa senado (Para kay SAP Bong Go)

NAGPAKITA ng kanilang puwersa at todong suporta ang mayorya ng gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagharap ni Special Assistant to the President  (SAP) Christopher “Bong” Go sa pagdinig sa Senado kaugnay sa P15.7-B frigate deal ng Philippine Navy.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, boluntaryo ang kanilang pagpunta sa Senado, pagpapakita ng kanilang todong suporta kay Go at hindi sila inutusan ng Pangulo.

“Talagang voluntary naman kaming nagpunta. Sa amin po, lalo na ‘yung taga-Malacañang na colleagues ni SAP Go, importante po ‘yun na nalinis ang pangalan ni Go,” aniya sa press briefing sa Palasyo kahapon.

NANUNUMPA sina Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go at Defense Secretary Delfin Lorenzana bago ang pagdinig sa Senado tungkol sa maanomalyang pagbili ng dalawang Philippine Navy Frigates, kahapon. Naguusap sila Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, Justice Secretary Vitalliano Aguire II at Special Assistant to the President Christopher Bong Go habang dinidinig ang maanumalyang pag bili ng 2 Philippine Navy Frigates sa senado kahapon. Nagpapaliwanag si dating Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ronald Mercado tungkol sa maanumalyang pag bili ng 2 Philippine Navy Frigates sa pag dinig sa senado kahapon. Nagpapaliwanag si Special Assistant to the President Secretary Christopher Bong Go sa pagdinig sa senado tungkol sa maanumalyang pag bili ng 2 Philippine Navy Frigates kahapon. (MANNY MARCELO)

Bukod kay Roque, nagtungo rin sa Senado sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr., Communications Secretary Martin Andanar, Solicitor General Jose Calida, PAGCOR chairman Andrea Domingo, Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, at Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Giit ni Roque, fake news ang pagdawit kay Go sa frigate deal, mismong ang nasibak na Flag Officer in Command ng Navy na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang nagkompirma na ni minsan ay hindi nakialam ang SAP sa pagbili ng navy frigates.

“It’s very clear that no less than former FOIC Mercado cleared SAP Go from any involvement in this frigate deal. He affirmed before the Senate that SAP Go has not had any opportunity to communicate at any time at all, on this frigate deal,” wika ni Roque.

About hataw tabloid

Check Also

PLUNDER, GRAFT CASE VS BELMONTE, BLACK PROGANDA — ATTY. CASIMIRO

BALEWALA ay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang akusasyong ‘plunder’ at ‘graft’ na inihain laban …

Quezon City QC Joy Belmonte

Pagtaas ng amilyar pinabulaanan
RPT SA KYUSI MANANATILI

PINABULAANAN ng pamahalaang lokal ng Quezon City nitong Lunes ang mga pahayag ni Anakalusugan Partylist …

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga …

Leave a Reply