HINDI ikinaila ni Cong. Karlo B. Nograles na certified film buff siya. Katunayan, ipinagmamalaki pa niya iyon. Kaya hindi rin nakapagtatakang siya ang namuno sa Metro Manila Film Festival last year.
Sa aming pakikipagkuwentuhan sa kanya kasama ang asawang si Maria Margarita Maceda Montemayor Nograles, naikuwento nito ang halos magaganda at paboritong episodes sa Starwards.
Hanggang-hanga rin siya sa Ang Larawan na aniyaý malaking pagtalon sa nakasanayan nang ginagawang pelikula ng mga Pinoy. “I’d like to see that (Ang Larawan) in Mindanao,” na ang tinutukoy niya ay ang Mindanao Film Festival na taon-taong ginagawa at nasa ika-16 na taon na ngayon.
Ani Nograles, umaasa siyang magiging matagumpay ang Mindanao Filmfest tulad ng ibang festival.
“Siyempre andiyan naman talaga ‘yung nag-struggle sila para maging matagumpay ito at least may magandang lugar ang mga kapwa ko Mindanaoans para maipakita ang kanilang talent at ma-develop pa ito,” sambit pa ni Nograles na karamihan sa mga kaklase niya ay umaarte rito.
“Ako hindi, kasi singer yata ako. Hindi pa ako lumabas kahit cameo role lang,” sagot ng mambabatas nang matanong kung nakalabas na siya sa anumang Mindanao film.
Susog ni Nograles, ukol sa mga nagaganap, nangyayari sa Mindanao ang karaniwang tema ng mga pelikulang naipakikita sa Mindanao filmfest.
“Kasi siyempre, you want to tell a story close to your heart. Pero we feel, we always have so much to offer,” pagmamalaki ng Kongresista.
Dagdag pa ni Nograles, “We tried to provide avenues to shine Mindanaoans. Natatandaan ko nga before parang mayroon kaming sariling Myx Music na nagpapakita ng ukol naman sa mga musika namin.”
Naniniwala naman ang maybahay ni Nograles na ngayon ay bukas na sa iba’t ibang klase ng film genre ang mga Mindanaoan lalo pa’t sinusuportahan ito ng mga pribadong sector.
Ipinagmalaki rin ni Nograles ang pagkakaroon nila ng tradition at culture na siyang nagpapatatag at nagpapalakas sa kanilang mga taga-Mindanaoan.
Kaya naniniwala ang mag-asawang Nograles na malaki ang iuunlad pa at magtatagumpay ang Mindanao Film Festival.
Samantala, ibinahagi rin ni Gng. Margarita ang ukol sa kanyang stylized at classy indigenous clothes na mula Mindanao, ang Kaayo na mismong siya kasama ang mga local talent ang nagdidisenyo. Makikita ang mga magaganda nilang gawa sa Instagram account na @kaayo.ph.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio