Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis, 2 taon ibinugaw ng asawa sa mga kaibigan

SA nakalipas na dalawang taon, kinailangang tiisin ng isang misis ang baluktot na sexual perversion ng kanyang mister na ang kasiya­han ay makita ang babaeng nakikipagtalik sa ibang kalalakihan.

Kapag naman tumanggi siya sa kagustuhan ng kanyang asawa, sadyang binubugbog siya ng kanyang mister para mapilitang pumayag sa kanyang nakadidiring kahilingan.

Ngunit dahil hindi niya matiis ang kabuktutan ng kanyang mister, napilitan na rin ang babaeng maghain ng reklamo sa Kuang police station sa Gombak, para sa wakas ay arestohin ang lalaking nagsadlak sa sariling asawa na maging parausan ng iba-ibang lalaki, ulat ng pahayagang Harian Metro.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na ang mister ng biktima, nasa edad 40 anyos pataas, ay madalas nag-iimbita ng kanyang mga kaibigang lalaki sa kanilang tahanan sa Taman Sri Putra para himukin na makipag-sex sa kanyang misis.

Lumala pa ang situwasyon nang dalhin ng lalaki ang kanyang asawa sa isang massage center sa Rawang, na puwersahan niyang pinagtalik ang kanyang misis sa isang lalaking masahista.

“The husband had previously invited his friend to stay over at their home, after which he would force his wife to have sex with the man,” ulat ng source ng pulisya.

“The woman, a housewife, would be beaten if she rejected his demand,” dagdag nito.

Sinabi rin ng source na isang kaibigan ng lalaki, na naninirahan sa tahanan ng mag-asawa, ang nagawa rin makipagtalik sa babae.

“The woman’s husband even brought home male Vietnamese, Bangladeshi and Indonesian workers to his home for them to have sex with his wife,” anito.

Kasunod ng police report na inihain ng biktima, ikinulong ng mga awtoridad ang kanyang mister at kanyang kaibigan para sa karagdagan pang imbestigasyon.

(TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …