Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
sharon cuneta gabby concepcion mcdo

Kumusta Ka, naka-8-M hits dahil sa Sharon-Gabby commercial

KUNG nagiging usap-usapan ang commercial ng isang fast food chain na ginawa nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ang mas matindi roon ay iyong mahigit sa walong milyong hits na nakuha ng isang music video na inilabas nila sa internet para sa commercial na iyon.

Ang ginamit na music ay iyong Kumusta Ka, na ginamit noong araw hindi sa isang Sharon-Gabby movie kundi sa isang pelikula ng megastar na  kasama niya si FPJ. Nag-duet pa nga sila ni FPJ sa kantang iyan eh. Iyan lang din ang kantang kinanta ni FPJ nang mag-guest siya sa TV show ni Sharon. Noon lang pumayag na mag-guest sa TV show si FPJ, at kumanta pa. Dahil ginamit nga sa music video roon sa commercial, muling sumikat na naman ang kanta. Isipin ninyong marinig ulit iyon ng walong milyong tao sa loob lamang ng ilang araw?

Panalo ang yumaong composer na si Willy Cruz at ang lyricist ng nasabing kanta na si Baby Gil.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …