LUMIPAD patungong Siargao sina James Reid at Nadine Luste para roon iselebra ang ikalawang taon nilang anibersaryo.
Dalawa lang silang nagbiyahe at hindi ka-join ang kanilang mga kaibigan. Marami nga ang nakapansin na kahit iniintriga sila ay sweet pa rin at deadma sa mga intriga.
Wala silang kasama at super-mega sweet ang dalawa ayon sa netizens.
As usual, walang paki si Nadine na magpakita ng kaseksihan na marami ang lumaki ang mata at napa-wow sa kaseksihan niya in her two-piece swimsuit samantalang si James ay naka-beach shorts.
Ayon pa sa ibang netizens, it seems na perfect ang relasyon ng dalawa dahil sobrang vibes sa isa’t isa at super-gentleman ang actor kay Nadz.
Mukhang aabutin pa ng maraming taon ang kanilang relasyon, and who knows, sila na nga ang magkatuluyan.
MATABIL
ni John Fontanilla