HINDI pa rin sumapat ang 50 puntos ni Kevin Durant upang maiwasan ng kanyang koponan na Golden State ang ngitngit ni Damian Lillard at ng Portland.
Pinantayan ni Lillard ang lakas ni Durant sa pagtarak ng 44 puntos at 8 assists upang makompleto ng Trail Blazers ang pagsilat sa nagdedepensang kampeon na Warriors, 123-117 sa umiinit na 2017-2018 National Basketball Association kahapon.
Bunsod nito, umangat na sa .500 ang marka ng Blazers na may 32-26 kartada papasok sa All Star break.
Nagdadag ang katambal ni Lillard na si CJ McCollum ng 29 puntos gayondin si Jusuf Nurkic ng 17 puntos at 13 rebounds ngunit hindi na tinapos ang laro bunsod ng low back soreness at right calf strain.
Nagdagdag ng 7 rebounds at 6 assists si Durant para sa Warriors ngunit tanging ang 16 puntos at 12 rebounds lamang ni Draymond Green ang nakuhang suporta tungo sa pagbagsak nila sa ikalawang puwesto sa West sa likod ng Houston bunsod ng 44-14 kartada.
Tatangkaing bumalikwas ng Warriors kontra sa Los Angeles Clippers sa 22 Pebrero sa Oakland habang bibisatahin ng Blazers ang Utah Jazz sa 23 Pebrero.
ni John Bryan Ulanday