MAJORITY ng mga nanonood ng special screening ng “Sin Island” sa Dolphy Theater ay shocked sa mapangahas na mga eksena ng mga bidang sina Xian Lim, Coleen Garcia, at Nathalie Hart na first time gumawa ng movie sa Star Cinema.
Grabe, sa una feeling mo ay isang simpleng love story lang ang pinanonood mo na ikinasal ang kilalang photographer na si David (Lim) sa magandang flight stewardess na si Kanika (Coleen Garcia).
Hanggang lumamig ang kanilang pagsasama nang dumating ang isang pagsubok sa propesyon ni David. Nabasa ang master slider ng kinuhaan niyang wedding ay hiningaan siya ng danyos na P10 milyon ng kliyenteng newly-wed couple or else idedemanda siya.
Dahil madilim ang mundo ay naging iritado si David at hindi na niya tinantan nang kaseselos si Kanika na duda niya ay may affair sa boss nitong si Stephen (TJ Trinidad).
Para makalimot sa problema ay nagpunta ng ‘Sinbulan Island’ o ‘Sin Island’ si David at nakilala niya roon ang fashion designer na nagpa-practice ng yoga na nakahubo’t hubad.
Hanggang nagkaroon sila ng affair ni Tasha na magbibigay pala sa kanya at kay Kanika ng matinding bangungot dahil psychotic ang babaing nakilala at kayang pumatay.
Pero dahil parehong mahal nina David at Kanika ang isa’t isa ay nagkasundo silang magbalikan at pumunta sa Canada para makaiwas kay Tasha.
Dito na magkakaroon ng twist, dahil ang inaakalang understandable na si Tasha ay obsessed pala kay David. Hindi niya titigilan ang mag-asawa na umabot pa sa puntong papatayin niya si Kanika.
Pero sa pagkakataong iyon, sa ngalan ng pag-ibig ay hindi nagtagumpay si Tasha na paghiwalayin sina Kanika at David dahil siya ang napatay ni Kanika.
Kung pagbabasehan ang takbo ng kuwento ay mas suspense at mas maganda ang pagkakagawa ni Direk Gino Santos sa Sin Island kompara sa hit 1987 Hollywood movie na “Fatal Attraction.”
Kaya naman halos lahat ng eksena lalo sa kalagitnaan hanggang last part walang tigil ang palakpakan at hiyawan sa obra ni Direk Gino at husay ng performance ng kanyang mga artista sa acting at sa todo-bigay na love scenes ng tatlo.
Yes pare-parehong mahuhusay umarte sina Xian, Coleen at Hart at posibleng lahat sila ay magkaroon ng acting nominations sa film nilang ito na showing na today (Feb.14) in theaters nationwide.
Bravo rin sa sumulat ng kuwento na si Kriz G. Gamen at Keiko A. Aquino (original screenplay) at Jancy E. Nicolas (screenplay).
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma