Saturday , December 21 2024
PINAGTIBAY ni Pasig River Rehabilitation Commission Exec. Dir. Jose Antonio "Ka Pepe" E. Goitia ang seryosong paglilingkod sa pagbuhay ng Ilog Pasig sa pakikipagtulungan nina Honda Foundation Inc. Chairman Yoshihiro Yamada, HFI Exec. Dir. Riza Quito, ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. (ALFKI) Bantay Kalikasan Chief Finance and Service Officer Noemi Samson, ALFKI Program Director Jen Santos, PRRC Deputy Exec. Dir. for Operations Gregorio Garcia at Brgy. 832 Chairman Ireneo Fernandez kasabay ng kanilang paglagda sa deed of transfer and acceptance (DOTA) ng Brgy. 832 Phase II Linear Park sa Pandacan, Maynila. (BONG SON)

Pagsisikap ng PRRC, “good news” sa Malakanyang

Laking pasasalamat ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na inilarawan na “magandang balita” kamakailan ang pagsisikap ng PRRC katuwang ang Intramuros Administration (IA) at ang munisipalidad ng Noveleta, Cavite para mapabilis ang biyahe mula sa nasabing ba­yan hanggang sa lungsod ng Maynila.

Sa talumpati kaugnay sa inagurasyon ng Phase II ng Linear Park sa Estero de Pandacan sabay pagsasalin sa pangangasiwa nito kay Brgy. 832 Chairman Ireneo Fernandez, nagpasalamat si Goitia dahil napansin ng Malakanyang ang pagsisikap ng PRRC, IA at local government unit ng Noveleta, Cavite para mapabilis at mapagaang  ang balikang transportasyon mula sa Maynila hanggang Cavite.

Sabi nga ni Goitia: “I wish to convey my utmost gratitude to the Honorable Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque, for officially acknow­ledging the efforts done by the Pasig River Rehabilitation Commission, jointly with the Intramuros Administration (IA), and the Municipality of Noveleta, Ca­vite, in launching the Cavite-Manila Ferry Boat Service,” ani Goitia. “Starting next month, the current land travel time of two (2) hours from Manila to Cavite is expected to be reduced to only thirty-five minutes.”

Unang inihayag ni Roque ang tungkol sa Ca­vite-Manila Ferry Boat Service sa press briefing sa mga reporter na nakabase sa Malakanyang noong nakaraang Pebrero 5.

Diin ni Roque: “Let me begin with good news – Starting [June], travel time from Manila to Cavite will be reduced to 35 minutes. The Intramuros Administration, the Pasig River Rehabilitation Commission and the Municipality of Noveleta launched a boat transport system that will link Noveleta, Cavite with Intramuros, Manila. The ferry boat service is expected to shorten travel time from the current land travel of 2 hours accom­modating 100 passengers.”

Sa layuning makatulong para maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila kaya naisipan ng PRRC na makipagtulungan sa Superferry service para bumiyahe at magsakay ng mga pasahero ang kanilang mga ferry boat mula Ca­vite patungong Plaza Mexico sa Maynila.

Nilagdaan kamakailan ang Memorandum of Agreement (MOA)  nina Goitia;  Super Ferry Service Transport, Inc. (SFTI) founder Eduardo Manuel; IA chief Atty. Guiller Asido; at Noveleta Mayor Dino Reyes Chua sa makasaysayang Plaza Me­xico sa Intramuros, Maynila.

Dagdag ni Goitia: “Napapanahon ang partnership na ito sa layunin na makatulong sa mga commuter mula sa Cavite na nagnanais lumuwas ng Maynila at vice versa. Reliable, affordable at episyente ang Pasig River Ferry System para sa mga commuters, maging sa disaster response na magbibigay ng malaking kontribusyon para maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.”

Sa panig naman  ni Manuel, ipinagmalaki niya na lahat ng kanilang ferry boat ay fully air-conditioned, may libreng wi-fi, ligtas, reliable, accesible at gawang Pinoy sabay dagdag na suportado ng SFTI ang adbokasiyang “Puso para Ilog Pasig” ng PRRC.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *