Friday , July 26 2024

Pagbuhay sa patay na Pasig River, itutuloy ni Goitia sa ibang ilog

NANGAKO si Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia na ipagpa­patuloy niya ang pagbuhay sa 27 kilometrong Ilog Pasig matapos nitong talunin ang Yangtze River ng China sa kauna-unahang 2018 Asia Riverprize.

Ipinarating ni Goitia ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga opisyal ng International River Foundation, Australian River Partnership, committee organizers, mga hurado at sa lahat ng mga taong kabilang sa pagpili sa Filipinas upang tanggapin ang prestihiyosong Riverprize award.

“Makaaasa kayo na kaagapay ninyo ang buong PRRC sa pagliligtas sa mundo, one river at a time,” masayang sinabi ni Goitia. ”Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ayuda sa PRRC. Nakatutuwang  isipin na binuhay ng PRRC ang biologically dead na ilog noong 1990s.”

Ipinarating din ni Goitia ang kanyang pagbati sa lahat ng mga nagwagi at iba pang finalists dulot ng mahalaga nilang tungkuling tinupad at mga isasakatuparan pang hak­bangin para sa magandang kinabukasan ng mga ilog sa buong mundo.

“Nais ko rin pasalamatan ang aking mga staff at mga katuwang mula sa national at local government, non-government organizations at sa private sector,” diin ni Goitia. “Hindi natin ito makakamit kung hindi dahil sa walang humpay ninyong suporta sa lahat ng aming pagkilos tungo sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig.”

Bago nakamit ang nasabing prestihiyong karangalan, masusi munang inaaral at sinasaliksik ng IRF ang mga magwawaging kalahok na may sadyang kakaibang epektibong restorasyon ng mga river basin.

Dati nang idineklarang biologically dead ang Ilog Pasig noong dekada 90 sanhi ng tala­mak na polusyong nagmumula sa lumalaking populasyon at pag-unlad ng mga industriya sa tabing ilog nito. Gayonman, naipanumbalik ng PRRC ang sigla at buhay ng Ilog Pasig makalipas ang masikap na restorasyon at rehabilitasyon.

Labis na hinangaan ng IRF ang pagkilos ng PRRC upang mailikas ang may 18,719 pamilyang naninirahan sa tabing ilog patungo sa higit na disenteng pabahay mula sa programa ng nasyonal na pamahalaan.

Umabot sa 376 estruktura ang giniba ng ahensiya upang mabawi ang nakatakdang easement sa magkabilang baybayin ng Ilog Pasig gayondin ang pagsasagawa ng kabuuang 37,471.68 linear meters ng environmental preservation areas, pagpapaunlad sa 17 kabu­uang 47 tributaryo at nalinis ang halos 22 milyong kilo ng solid waste para mapaganda ang komunidad at maging responsable sa kalikasan ang mga mamamayang naninirahan doon.

Sa pagkakapanalo sa 2018 Asia Riverprize, tatanggapin ng Ilog Pasig ang malawakang pagkilala ng daigdig na magbubunga naman ng mga bagong oportunidad at partnership para sa pagpapalitan ng kaalaman at epekti­bong pagkilos at magbubukas ng panibagong landas upang makamit ang international support.

Awtomatiko ring makapapasok ang Filipinas sa Stage 2 ng Thiess International Riverprize sa darating na 2019.

Noong nakaraang taon, runner-up ang Ilog Pasig sa San Antonio River ng Texas sa Thiess International Riverprize contest kahit tayo ang natatanging Third World at developing country na napabilang sa finals.

About hataw tabloid

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *